
Handa nang magpakilig at magbigay inspirasyon nina Chanty at Sean Lucas sa ikatlong yugto ng MAKA LOVESTREAM na "Pretty Little Baby."
Pagbibidahan nina Chanty at Sean ang cute na love story nina Myka at Robin sa "Pretty Little Baby."
Tampok dito ang kuwento ni Myka na lumaki sa isang pamilya na puro magaganda at guwapo. Pero si Myka, naging tampulan ng tukso dahil hindi raw "pretty."
Mapansin kaya ang kanyang beauty ng crush na si Robin, o tuluyan nang magiging olats?
Makakasama rin nina Chanty at Sean sa pagbibigay inspirasyon sa "Pretty Little Baby" sina Wendell Ramos bilang Paco, Geleen Eugenio bilang Lola Milagros, at Arlene Muhlach bilang Shirley. Nandyan din sina Bruce Roeland bilang Borj at Caitlyn Stave bilang Tin.
Hindi rin dapat na palampasin ang espesyal na partisipasyon ni Star of the New Gen Jillian Ward bilang Ms. Blush.
Abangan ang MAKA LOVESTREAM's "Pretty Little Baby," simula ngayong Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.
KILALANIN ANG IBA PANG CAST AT CHARACTERS NG MAKA LOVESTREAM'S PRETTY LITTLE BABY SA GALLERY NA ITO: