
Kilig at ngiti ang hatid ng MAKA LOVESTREAM love team na sina Sean Lucas at Chanty o SeaNty sa kanilang sweet version ng hit song ng Sponge Cola na "Pag-ibig."
Ngayong Lunes, inilabas ng MAKA LOVESTREAM ang recording video ng SeaNty para sa "Pag-ibig," na maririnig na sa kanilang mga eksena sa "Pretty Little Baby."
Pinagbibidahan nina Chanty at Sean ang cute na love story nina Myka at Robin sa ikatlong yugto ng MAKA LOVESTREAM na "Pretty Little Baby."
Patuloy na subaybayan sina Chanty at Sean sa "Pretty Little Baby" ng MAKA LOVESTREAM tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.
KILALANIN ANG CAST AT CHARACTERS NG MAKA LOVESTREAM'S PRETTY LITTLE BABY SA GALLERY NA ITO: