
sa iisang stage noong May 17 episode ng Stars on the Floor 2026.
Sa naturang episode, muling nagkaroon ng “double win” sa dance show matapos parehong tanghaling 13th top dance star duo sina Chanty Videla at Alamat Jao, at Jasmine Curtis-Smith at 1st.One Joker.
Humanga ang Dance Universe sa maangas na dancehall performance nina Chanty at Jao kasama si Coach Dune. Hindi rin nagpatalo sa hatawan sina Jasmine at Joker kasama si Coach Angel na nagpasabog ng sexy jazz funk sa dance floor.
Noong nakaraang linggo, kinilala bilang 12th top dance star duo sina Chanty at Jao matapos maghatid ng galing at kilabot sa kanilang horror-inspired jazz funk performance.
Nauna nang nagkaroon ng double win sa kompetisyon sina Jasmine, Calista Denise, Paul Salas, at Jao matapos silang kilalanin bilang 3rd top dance star duo.
Tutukan ang mas nag-iinit pang performances sa Stars on the Floor 2026 tuwing Linggo, 7:15 p.m. sa GMA, Kapuso Stream, at GMA Pinoy TV.
Samantala, balikan dito ang mga naging top dance star duos sa 'Stars on the Floor 2026':