GMA Logo MAKA LOVESTREAM stars Sean Lucas and Chanty
Photo by: MAKA LOVESTREAM
What's on TV

Chanty, na-appreciate at komportable sa 'MAKA' on-screen partner na si Sean Lucas

By Aimee Anoc
Published October 4, 2025 6:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cebuano artist featured in Holy Week exhibit at Casa Gorordo Museum
Flood-resistant building na ipinatayo ng GMAKF sa Malitbog E.S., pinasinayaan | 24 Oras
Maalinsangang panahon, asahan sa mga nalalabing araw ng Semana Santa | One North Central Luzon

Article Inside Page


Showbiz News

MAKA LOVESTREAM stars Sean Lucas and Chanty


Chanty to Sean Lucas: "Sa lahat ng naging partner ko on-screen masasabi ko talaga na si Sean 'yung pinaka naging komportable ako."

Isa sa mga kinakikiligang love teams sa hit youth-oriented show na MAKA ay ang tambalang Sean Lucas at Chanty o Seanty.

Sa online exclusive ng MAKA LOVESTREAM, muling pinakilig nina Sean at Chanty ang kanilang fans nang magbigay ng mensahe sa isa't isa.

Ayon kay Chanty, sa lahat ng naging on-screen partner niya ay si Sean ang pinaka naging komportable siya.

"I appreciate Sean a lot, he's a really good friend. Sa lahat ng naging partner ko on-screen masasabi ko talaga na si Sean 'yung pinaka naging komportable ako and hindi ako nag-cringe sa mga kilig scenes," nakangiting sabi ni Chanty kay Sean.


Sobrang na-appreciate din ni Chanty ang sinabi sa kanya ni Sean na gusto nitong maging komportable siya.

"Kasi you told me one time nu'ng nag-scene tayo na... basta like episode natin and then hindi natin ma-feel 'yung eksena tapos... 'yung nag-stock sa akin is 'yung sinabi mo na you're trying to make me comfortable and na-appreciate ko talaga 'yon, super," dagdag niya.

Isa rin si Sean sa kakaunting mga kaibigan lalaki ni Chanty. Sabi ng singer-actress, "It's so rare for me to have a guy friend, like super rare talaga, bilang na bilang. Ngayon masasabi ko si Sean pa lang 'yung guy friend na that I have, that I was able to talk about."


Para sa mas marami pang kilig moments nina Sean Lucas at Chanty, subaybayan sila sa MAKA LOVESTREAM tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.

MAS KILALANIN SI CHANTY SA GALLERY NA ITO: