
Ramdam na ramdam ni Chanty ang pagmamahal at suporta sa kanya ng fans sa naganap na special thanksgiving fanmeet kamakailan.
Ang nasabing event ay inorganisa mismo ng kanyang mga tagasuporta bilang selebrasyon sa kanyang successful journey sa Stars on the Floor 2026 at sa bagong show na Kamao.
Sa Instagram, ipinakita ng Sparkle GMA Artist Center ang ilang masasayang moments ni Chanty kasama ang fans.
Isang video rin ang ibinahagi ng Sparkle mula sa thanksgiving fanmeet kung saan nagbigay ng mensahe si Chanty sa kanyang fans.
"Today, thank you so much. Grabe, since Lapillus days hanggang ngayon, sobrang nararamdaman ko talaga 'yung love and support n'yo. Alam ko na I would say thank you, pero wala naman talaga akong ibang masasabi kundi thank you talaga. Lahat ng efforts ko talaga lagi kayong nasa isip ko," sabi ni Chanty.
Sa interview kay Athena Imperial ng 24 Oras, ipinarating ni Chanty ang pasasalamat sa walang sawang suporta ng kanyang fans.
"I just really wanna say thank you kasi ramdam na ramdam ko 'yung support nila ever since."
Samantala, subaybayan si Chanty sa family sports drama na Kamao, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m., sa GMA at Kapuso Stream.
Related content: