
Kakaibang adventure ang ibinahagi ni Chanty sa kaniyang pagbisita sa historical na Intramuros.
Sakay ng isang Segway o Personal Transport Device ay naglibot si Chanty sa ilang mga lugar sa Intramuros. Bahagi ito ng kaniyang guesting sa Amazing Earth.
Kuwento ni Chanty sa kaniyang interview kasama si Dingdong Dantes, "It felt different, as a Filipino nararamdaman ko rin 'yung history."
Ayon sa K-Pop star at Sparkle artist, na-appreciate niya lalo ang pagiging Pilipino dahil sa experience na ito.
"Na-appreciate ko po siya lalo. Na-amaze po ako kasi naghalo-halo po 'yung culture dito sa Philippines at nakikita po sa structure at history."
Payo ni Chanty ay dapat bigyan ng oras ng mga Pilipino at mga kabataan ang pagbisita sa Intramuros.
"Visit Intramuros din kasi is built with history and our history as Filipinos. I think we should appreciate that more, it's really beautiful po. Lalo na if you try segway, talagang mage-enjoy kayo. It's really fun po."