
Kapansin-pansin ang pag-level up ng performances ng celebrity at P-pop dance stars sa Stars on the Floor 2026 noong April 4 episode.
Sa naturang episode, nasungkit nina Chanty Videla at 1st.One Joker ang kauna-unahang panalo nila bilang 7th top dance star duo.
Namangha ang viewers at dance authority sa kanilang dancehall performance, at maging si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ay napa-“mic drop” sa kanilang piyesa.
Nakalaban nila sa dance showdown sina Sugar Mercado at HORI7ON Jeromy, na nagpakitang-gilas sa kanilang jazz performance.
Noong nakaraang linggo, kinilala sina Paul Salas at KAIA Sophia bilang 6th top dance star duo matapos ang kanilang maangas na popping performance.
Tutukan ang mas nag-iinit pang performances sa Stars on the Floor 2026 tuwing Linggo, 7:15 p.m. sa GMA, Kapuso Stream, at GMA Pinoy TV.
RELATED GALLERY: Top dance star duos who stole the spotlight on 'Stars on the Floor' 2026