
Naghatid ng iba't ibang emosyon ang dance star duos sa Blockbuster Night ng May 10 episode ng Stars on the Floor 2026.
Sa naturang episode, nagwagi sina Chanty Videla at Alamat Jao bilang 12th top dance star duo matapos ang kanilang horror-inspired jazz funk performance.
Ipinahayag ng dance authority ang kanilang paghanga at pagmamalaki sa performance nina Chanty at Jao dahil sa kanilang mala-“pang-grand finals” na pagtatanghal.
Nakalaban nila sa dance showdown sina Sugar Mercado at HORI7ON Jeromy na nagpakitang gilas sa kanilang Mission's not impossible-inspired performance.
Noong nakaraang linggo, sina Paul Salas at Calista Denise ang kinilalang 11th top dance star duo matapos bigyang-buhay ang kuwento ni Maria Makiling.
Tutukan ang mas nag-iinit pang performances sa Stars on the Floor 2026 tuwing Linggo, 7:15 p.m. sa GMA, Kapuso Stream, at GMA Pinoy TV.
Samantala, balikan dito ang mga naging top dance star duos sa 'Stars on the Floor 2026':