GMA Logo Chanty Videla and Lapillus
Photo source: FTWBA
What's on TV

Chanty Videla, ikinuwento ang pinagdaanan noong naging miyembro ng Lapillus

By Karen Juliane Crucillo
Published March 19, 2026 7:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

EV demand soars amid fuel price hikes, waiting times extend up to 4 weeks
Grass fire affects up to 4,500 square meters of land in Iloilo
Repertory Philippines to hold staged readings of 'Private Lives' and 'Sole Survivor'

Article Inside Page


Showbiz News

Chanty Videla and Lapillus


“Nahirapan po ako dahil it was my first time being away from my family talaga.” - Chanty Videla

Ibinahagi ni Chanty Videla ang hindi biro na kanyang pinagdaanan bilang miyembro ng South Korean girl group na Lapillus.

Sa kanyang panayam sa Fast Talk with Boy Abunda noong Miyerkules, March 18, inamin ni Chanty na nahirapan siya sa kanyang journey bilang bahagi ng isang girl group.

“Nahirapan po ako dahil it was my first time being away from my family talaga, and as someone talaga na nasanay kasama 'yung parents ko, 'yung mga sisters ko,” pag-amin niya.

Ikinuwento ng celebrity dance star na noong pandemic siya nawalay sa kanyang pamilya.

“All of a sudden, during the pandemic pa 'yun, so I had to live with people and be managed by strangers talaga,” aniya.

Dagdag pa niya, “Then, I had to adjust din sa culture nila. So, ayun po, I think 'yung pinakanahirapan ako that time.”

Ibinahagi rin ni Chanty ang ilang hindi pagkakaintindihan nila ng kanyang mga kagrupo.

“Well, luckily, hindi naman kami nag-away, to the point ng malala or anything. Pero pinag-uusapan lang po talaga namin. Communication po talaga,” pahayag niya.

Nilinaw rin ng Sparkle artist ang tungkol sa disbandment ng Lapillus, at sinabing wala pa silang opisyal na update mula sa kanilang kumpanya.

Pormal na inanunsyo ang girl group na Lapillus noong 2022.

Abangan si Chanty bilang isa sa celebrity dance stars sa Stars on the Floor 2026 tuwing Linggo, 7:15 p.m. sa GMA, Kapuso Stream, at GMA Pinoy TV.

Samantala, kilalanin dito ang iba pang celebrity dance stars sa Stars on the Floor 2026: