GMA Logo chanty videla with jennylyn mercado and dennis trillo
What's on TV

Chanty Videla, na-starstruck kina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa 'Sanggang-Dikit FR'

By Jansen Ramos
Published June 19, 2025 5:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

After bumping into motorcycle in QC, fleeing van mobbed by bystanders
Usa ka SUV natagak paingon sa Mangrove Area sa Cordova | Balitang Bisdak
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News

chanty videla with jennylyn mercado and dennis trillo


Gaganap ang Lapillus member na si Chanty Videla bilang journalist sa bagong GMA Prime action series na 'Sanggang-Dikit FR,' na pagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Mapapanood si Chanty Videla ng K-pop girl group na Lapillus sa upcoming GMA Prime action series na Sanggang-Dikit FR.

Sa panayam ng GMANetwork.com sa Filipino-Argentinian star sa media conference ng bagong serye, inamin niyang iniidolo niya ang mga bida ng programa na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Aniya, "Seeing them po sa set, hanggang ngayon, na-starstruck pa rin po talaga ako. I think nakasama ko po sila sa scene pero hindi talaga 'yung in-person na nagkaroon ng conversation but even then, talagang iba 'yung feeling kasi alam mo talagang batikan silang artista and I'm really inspired by them every time I see them sa work and sa set. I learned a lot from everyone actually, hindi lang po sa kanila."

Sa Sanggang-Dikit FR, gaganap si Chanty bilang Mira Torres, isang reporter. Hardworking at seryosong journalist si Mira. Ang mga deretsahan niyang tanong, laging nasasagot dahil na rin sa angking charm at ganda niya.

Ayon sa Sparkle artist, bagong role ito para sa kanya dahil matured ang kanyang character.

Ika niya, "Nasanay ako sa mga younger roles, estudyante, kahit sa MAKA, estudyante pa rin po ako. First time ko po tumanggap ng role na professional na siya na mas matured, tapos nacha-challenge pa nga po ako actually sa pagbabalita ng mga eksena kasi sobrang Tagalog na malalim, like 'diumano.' 'Yung terms and hanggang ngayon, nahihirapan pa rin ako but abangan n'yo po ako as I do a very new, and very fresh role and I hope you look forward to that."

Habang naka-break ang kanyang grupo na Lapillus, sa acting naka-focus si Chanty.

Aniya, hindi rin niya talaga pinalampas ang pagkakataon na mapabilang sa Sanggang-Dikit FR dahil pangarap niya maging parte ng isang action series.

Mapapanood ang Sanggang-Dikit FR simula Lunes, June 23, 8:50 p.m., sa GMA Prime. - with interviews by Ayen Crucillo

KILALANIN PA SI CHANTY VIDELA SA GALLERY NA ITO: