GMA Logo chanty videla
What's on TV

Chanty Videla, pinabulaanan ang balitang disbanded na ang Lapillus

By Kristian Eric Javier
Published April 16, 2025 4:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan, easterlies to bring rain, cloudy skies over parts of PH
Alleged DI member wanted for murder, frustrated murder killed in clash
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

chanty videla


Ayon kay Chanty Videla, fake news ang bali-balitang disbanded na ang K-Pop group nilang Lapillus.

Pinabulaanan ni Chanty Videla ang bali-balita tungkol sa estado ng kaniyang K-Pop group na Lapillus.

Sa pagbisita ni Chanty sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, April 15, sinabi ng singer-actress na “fake news” ang balitang kumakalat na disbanded na ang Lapillus.

“We're actually just on a break right now,” sabi ni Chanty.

Pinasalamatan din ni Chanty ang fans nila na patuloy pa rin na nag-aabang para sa comeback ng naturang K-Pop group.

“For now, I'm just focused po sa mga projects ko po dito especially may MAKA po ako and I have an upcoming movie, 'yun pong Samahan ng mga Makasalanan and kasama rin po ako sa Sanggang Dikit so mag-focus po muna kayo sa mga projects ko and eventually, you'll se Lapilus again,” sabi ng aktres.

MAS KILALANIN PA SI CHANTY NG LAPILLUS SA GALLERY NA ITO:

Ang grupo ay binubuo nina Chanty, Shana, Yue, Bessie, Seowon, and Haeun sa ilalim ng MLD Entertainment. Pagbabahagi rin ni Chanty, kapag wala silang performances bilang grupo ay pinapayagan din silang umuwi sa kani-kanilang bansa.

“Because I'm also a Sparkle artist so they honor that and every time may schedule po ako dito sa Philippines, of course, they make time and they allow me to come here to the Philippines for that,” sabi ng aktres.

Kinumpirma kamakailan ni Chanty na parte pa rin siya ng grupo. Matatandaan na nooong April 2024 ay nagpahinga muna siya mula sa grupo dahil sa kaniyang health condition. Na-diagnose kasi ang singer at actress ng chronic fatigue syndrome.

Sa statement ng MLD Entertainment, sinabi nilang pinagpahinga rin muna nila si Chanty para bumuti ang lagay ng kausugan nito.