
Mababaliktad ang mundo ng Your Honor hosts na sina Chariz Solomon at Buboy Villar dahil kung dati sila ang nagpapa-subpoena, ngayon sila naman ang ipapatawag sa korte nina Boobay at Tekla!
Special guest ang House of Honorables sa The Boobay and Tekla Show kung saan haharap ang dalawa sa riot na game segment na “Order in the Court.”
Bakit kaya na-speechless sina Madam Cha at Vice Chair Buboy sa guesting nila?
Tutukan ang all-new episode ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, 10:05 p.m., sa GMA at 11: 05 p.m. naman sa GTV.
RELATED GALLERY: Chariz Solomon, the multi-hyphenated comedienne