
Kahit anong oras ay maaari nang manganak ang comedienne na si Valeen Montenegro. Kaya naman, may payo sa kanya ang mga kaibigan na sina Chariz Solomon at Lovely Abella tungkol sa pagiging isang ina.
Sa pagbisita ng ValeenChaGa trio sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, October 16, hiningan ni King of Talk Boy Abunda ng payo sina Chariz at Lovely tungkol sa pagiging isang ina para kay Valeen.
Saad ni Chariz, “Ako talaga, ito, ha, laging may mangyayari na kahit hindi mo kasalanan, feeling mo kasalanan mo. It will always feel that way.”
Pagbabahagi ni Chariz, nangyayari naman talaga ang bagay na iyon kung saan mararamdaman ng isang ina na kasalanan niya lahat. Ngunit paglilinaw ng comedienne, may mga bagay naman talaga na hindi mako-control, at hindi iyon kasalanan ng isang ina.
“You have to lift it all up to God and 'yung lahat ng mangyayari, kailangan mangyari kasi he will grow, and kailangan matutunan niya. Matutunan mauntog paminsan, madapa paminsan. Ang importante, nandiyan ka palagi para sa kanya. That's all that matters. And enjoy it,” sabi ni Chariz.
Dagdag naman ni Lovely, “Ako naman, I second the motion.”
Pagbabahagi ng comedienne-businesswoman, bilang isang ina ay maraming matututunan si Valeen sa kanyang baby boy.
“'Yung feeling na parang hindi mo kaya, nakakaya mo dahil sa kanya, so siya ang magtuturo sa'yo maging isang ina,” ani Lovely.
TINGNAN ANG STUNNING MATERNITY SHOOT NI VALEEN SA GALLERY NA ITO:
Samantala, ibinahagi naman ni Valeen na kahit siya ang nahuli sa kanilang trio na maging ina ay hindi naman siya iniwan ng kanyang mga kaibigan.
“Sinabayan nila ako sa trip ko, 'Work out tayo, high energy tayo, ganito 'yung gagawin natin,' as moms. And hindi pa rin nawala 'yun so talagang I really cherish them both as friends,” sabi ni Valeen.
Dagdag pa ng aktres, “I'm so blessed to have them as friends kasi kaya hindi din ako natatakot entering this chapter of my life, kasi I know they're there.”
Panoorin ang panayam kina Chariz, Valeen, at Lovely dito: