May mabuting naidulot na ba ang chismis?
‘Yan ang susubukang sagutin ng kuwentuwaang katatampukan nina Chariz Solomon at Pekto, kasama sina Boobsie at Sinon Loresca ngayon Linggo, February 5, sa Dear Uge.
Pagdating sa chismisan, nangunguna dyan si Cheska (Boobsie). Naging tambayan na ng mga chismosa ang kanyang ihawan dahil sa kanya nalalaman ng buong barangay ang bagong scoop. Kahit ipinagbawal na ng kanilang Barangay Captain ang chismisan, hindi pa rin siya makapagpigil.
Isang araw, nakita ni Cheska si Kenneth (Sinon), ang bagong boarder ng mag-asawang Abel (Pekto) at Rina (Chariz). Gagawan niya ng chismis si Kenneth, at ito ang pagmumulan ng selos at pag-aaway ng mag-asawa.
Tuluyan kayang palabuin ng chismis ang kanilang pagsasama?
Tutok na ngayong Linggo, February 5, sa Dear Uge pagkatapos ng Sunday PinaSaya!
Photo by:chikkanessave (IG)