
Mas lalong nakilala ng publiko ang celebrity friends na sina Chariz Solomon, Valeen Montenegro, at Lovely Abella sa pagbisita nila sa Fast Talk with Boy Abunda nitong October 15.
Naka-chikahan ng King of Talk ang tatlo na binansagan ng fans na 'ValeenChaGa' na mga certified Batang Bubble.
Sa Fast Talk, naibahagi ni Chariz ang tulong na ibinigay sa kaniya ni Lovely nang mangailangan siya ng pera para sa binili niyang property para sa pamilya.
Ayon sa Bubble Gang star, hindi raw nagdalawang-isip na tulungan siya nina Lovely at mister nito na si Benj Manalo.
“So, kumuha ako ng property for my family, tapos naikuwento ko sa mga bestfriends. Tinawagan ko sila isa-isa, nagulat kasi ako na bago ka pa maipon yung downpayment lumabas agad 'yung loan.”
“Thankfully, ang bilis wala na akong time kasi may expiration. Tapos, umiyak sila mag-asawa [Lovey and Benj Manalo] during the video call. Sabi ko, bakit kayo umiiyak? Pagbabalik-tanaw ni Chariz.
“Sabi nga nila, yun nga they are Christians, sinabi ni Lord tulungan ka namin. Walang interes yun, pero hindi kayo close kay Ga, so huwag n'yo igaya… Tsaka, hindi pa ako bayad [laughs] Two hundred [Thousand] na lang naman Tito Boy."
Sabay banat si Chariz sa award-winning host, "Baka naman meron ka diyan?" At tumawa nang malakas ang Kapuso comedienne.
RELATED CONTENT: IN PHOTOS: Valeen Montenegro, Chariz Solomon, and Lovely Abella are #FitnessGoals
Para naman kay Lovely, gusto niyang suklian ang pagmamahal at kabaitan ng mga kaibigan niya na sina Chariz at Valeen lalo na nung nag-uumpisa pa lang siya sa Bubble Gang.
“Kasi, Tito, i-share ko lang nung time na nagba-Bubble ako, wala ako damit na laging gamitin for the show. Wala akong make-up sila 'yung nagbibigay nun sa akin. As in pagka-birthday ko Tito dun ako nakaka-experience ng mahal na shoes, kasi binibigay ni Cha 'pag nasa ibang bansa siya may makeup na binibigay sa akin. Si Val, tuwing nagsho-show ako gusto niya presentable ako. So, parang sabi ko, 'Lord, Thank you na ako naman this time mag-share sa kanila'.”
RELATED CONTENT: 'Prime stars featured on 'Bubble Gang''s 30th anniversary special