
Matapos umeksena sa 'Balitang Ina,' handa na ang versatile comedienne na si Chariz Solomon na harapin ang bagong hamon.
Siya na ang pinakabagong Madam Chair ng Your Honor!
Simula ngayong Sabado ng gabi, makakasama natin si Chariz a.k.a. Madam Cha sa House of Honorables na masusing kikilitasin at makikipagkulitan sa ating mga resource persons.
Siyempre, aabangan rin ng mga Ka-YouLOL ang nakakalokang banter niya with our very own Vice Chair Buboy Villar!
Huwag papahuli sa 'More Tawa, More Saya' moments ng Your Honor sa special session nito ngayong June 14, streaming sa YouLOL YouTube channel, pagkatapos ng Pepito Manaloto.
RELATED CONTENT: BEST 'BALITANG INA' MEMES TO GET THROUGH THE DAY