GMA Logo Chariz Solomon, Lovely Abella
Photo by: The People Have Spoken
What's on TV

Chariz Solomon, may diretsahang sagot tungkol sa utang

By Kristine Kang
Published July 22, 2026 6:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Putaheng kalabaw, bakit bentang-benta sa masa? | Farm To Table
GSIS raises stake in Megawide to 9.5% after buying 111.9 million shares
Isang sperm whale, natagpuang patay at palutang-lutang sa dagat sa Batanes | One North Central Luzon

Article Inside Page


Showbiz News

Chariz Solomon, Lovely Abella


Ano kaya ang gagawin ni Chariz Solomon kung umutang si kumare para lang magbakasyon? Alamin ang kanyang sagot dito.

Kahit wala pa sa mismong laro ng The People Have Spoken, may diretsahang sagot na sina Chariz Solomon at Lovely Abella (Team CHAGÂ)!

Sa isang YouLOL Exclusives, game na sumabak ang dalawang comedienne sa isang POV Check backstage.

Ang tanong ay: "Pinautang mo ang kumare mo, sabi may emergency. Kinabukasan, nalaman mong may post siya ng bakasyon niya. Ano ang gagawin mo?"

Agad namang sumagot si Chariz na wala raw halong "kaplastikan."

"Ako ita-trash talk ko siya. Tatawagin ko," pabiro niyang sagot.

"Nang-utang sa akin tapos nagbakasyon? May emergency daw. Ano 'to emergency landing?"

Samantala, giving the benefit of the doubt naman ang magiging approach ni Lovely.

"Tapos sasabihan ko naman bilang kaibigan, 'Baka naman hindi galing sa inutangan 'yun?' 'Wag natin masyado siya agad isipin..." aniya.

Ngunit mabilis namang banat ni Chariz, "Bakit hindi 'yun ang ginamit mo sa emergency? Bakit ka pa nangutang?"

Napaisip at napatawa na lamang ang Team CHAGÂ sa naging palitan nila ng sagot.

"Ang totoong tao nagtsi-tismis 'yan sa friends, sa true friends," biro ni Chariz habang natatawa.

Pero sa seryosong usapan, sinabi ni Chariz na mas mabuting umiwas muna sa pagpo-post sa social media ang isang taong may utang upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.

"Alam mo actually noong may utang pa ako sa'yo, hiyang-hiya ako na magbakasyon," kuwento ni Chariz kay Lovely.

"Kaya nag-Milan ako noon, 'di ako nag-post," biro pa niya.

Noong Sabado (July 18), nakatapat ng Team CHAGÂ ang Team GELVIN, sina Angel Guardian at Kelvin Miranda.

Pumasok sa bonus round ang Team CHAGÂ ngunit nabigo maiuwi ang additional cash prize.

Abangan ang The People Have Spoken, tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa social media accounts ng GMA at YouLOL. Available rin ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL official accounts.

Balikan ang ilan sa mga unforgettable at iconic quotes mula sa The People Have Spoken hosts at celebri-peeps, dito: