
Halos dalawang dekada na ang nakalipas mula nang sumali ang Bubble Gang comedienne na si Chariz Solomon sa reality-based artista search na StarStruck.
Ka-batch noon ni Chariz sa talent competition sina Kris Bernal, Aljur Abrenica, Rich Asuncion, at Paulo Avelino.
Kaya naman marami ang napa-throwback nang ipasilip ni Cha ang kaniyang audition photo sa StarStruck.
Sabi niya sa Instagram post, “STARSTRUCK: THE NEXT LEVEL (Batch 4) First audition photo
“I'm Chariz Solomon, watch out- I'm gonna be a star!”
Napa-comment naman ang Ka-Bubble barkada na si Buboy Villar nang “Ohh pakkk” sa throwback post ng Kapuso comedienne.
Sabi naman ng isang netizen tungkol kay Chariz, “One of the most talented comedian.. So natural.”
RELATED CONTENT: 'StarStruck' Season Four Contestants: Then and Now