
Halloween season got spookier dahil mapupuno ng katatakutan ang Your Honor episode ngayong November 1.
Makakasama nina Chariz Solomon at Buboy Villar sa session nila ang mga paranormal investigators na sina Theopilus at Gabriela Barrios.
Sa teaser ng Your Honor, napakuwento si Madam Cha sa kababalaghan na na-experience niya nung teenager siya.
“So nung teenager ako, ang dami kong experience na may physical contact talaga.”
Dagdag niyang kuwento sa Your Honor, “Natutulog ako, pagdilat ko ganiyan, kinakalmot niya ako. And tuwing birthday ko nung teenager ako meron talagang pagbati na medyo bayolente talaga.”
Panoorin ang Your Honor na mapapanood sa YouLOL YouTube channel ngayong November 1, pagkatapos ng Pepito Manaloto!
RELATED CONTENT: MEMORABLE HALLOWEEN COSTUMES OF CELEBS