GMA Logo bubble gang
What's on TV

Chariz Solomon, sa pagiging 'Bubble Gang' member: 'May boost of confidence talaga'

By Aedrianne Acar
Published July 7, 2023 10:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Tuba, Benguet police chief relieved from post due to lapses in Cabral probe —PNP
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

bubble gang


Saludo ang Sparkle comedienne na si Chariz Solomon sa team na bumubuo ng longest-running gag show na 'Bubble Gang.'

Naniniwala ang Sparkle comedienne na si Chariz Solomon na malaki ang impact sa showbiz career ng isang artista sa oras ang maging parte ng longest-running Kapuso gag show na Bubble Gang.

Pinatotohanan ito ng StarStruck alumna, na nagsabing ibang klase ng "confidence” ang nabibigay sa sarili sa oras na matawag kang official Kababol.

Paliwanag ni Chariz sa panayam sa GMANetwork.com, “Iba talaga kapag natatakan ka ng Bubble Gang, 'Ay! Taga-'Bubble Gang' 'yan.'

“Nabibigyan ka talaga ng pride, may boost of confidence talaga. Kasi the people you are working with talagang you don't get to work with them like anywhere else. Dito mo lang sila makikita sa mga shows na 'to, e.”

Kahit matagal nang Bubble Gang member si Chariz, umamin ito na may panahon na pakiramdam niya na hindi siya magiging parte ng award-winning gag show.

Pagbabalik-tanaw ng Kapuso actress, “So, it's really an honor. Sinasabi ko nga sa kanila, naabutan ko pa 'yung FILMEX (Studios) days kasama sila Diana Zubiri, Ara Mina, Maureen Larrazabal, Francine Prieto 'yun!

“Ang hirap maka-penetrate sa Bubble Gang. Mafi-feel mo talaga na hindi ka makakapasok. Kaya kung nakapag-guest ka dito magpa-salamat ka. Kasi, more than the money, if you really love what you are doing- acting, comedy lalo, it's really the place to be.”

Nagbigay din ito ng advice sa mga bago nilang Kababol na sina EA Guzman, Buboy Villar, at Cheska Fausto tungkol sa pagta-trabaho sa iconic show na ito ng GMA Network.

Payo ni Chariz sa kanilang tatlo, “Sana talagang seryosohin, mahalin 'yung trabaho. Work well with others, 'yung work ethics ba. Importante naman 'yun, kasi at the end of the day this is still business. Pero kailangan magaling, may pakialam sa sarili.”

Bago ang unang Sunday episode ng Bubble Gang, mapapanood ang ginawang paghahanda ng buong cast sa huling episode ng gag show ngayong Biyernes ng gabi.

Siguradong maximum ang tawanan at good vibes na mapapanood n'yo sa Sunday night airing ng Bubble Gang ngayong July 9.

Tutukan ang mga bagong sketches, gags, at funny characters na mamahalin n'yo, mga Kababol Kaya walang aabsent sa “chewtime” ng Bubble Gang tuwing Linggo sa oras na 6:00 pm.

TINGNAN ANG KULIT MOMENTS SA BUBBLE GANG PICTORIAL: