GMA Logo Chariz Solomon
PHOTO COURTESY: gmamarspamore (IG)
What's on TV

Chariz Solomon, sino kaya ang gustong sampalin na artista?

By Dianne Mariano
Published June 24, 2022 6:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Easter Sunday Mass - Diocesan Shrine of Jesus, the Divine Word | GMA News
Thai artist pami evaluates the cost of heartbreak in a relationship with new single 'cry jar'
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Chariz Solomon


Bakit kaya itong artista na ito ang gustong masampal ni Kapuso actress Chariz Solomon? Alamin dito.

Ibinahagi ni Kapuso actress Chariz Solomon ang pangalan ng artista na nais niyang masampal sa isang show, kung kinakailangan ng sampalan na eksena.

“S'yempre kung gusto mong magawa 'yung something, gusto mong gawin 'yon sa pinakamagaling 'di ba? So gusto mo 'yung laging nananampal, ikaw naman 'yung mananampal sa kanya.

“Parang points 'yun sa career mo, e. For me kasi, siya ang the best,” ani Chariz sa “Baraha, Balasa, Sagot” segment ng Mars Pa More.

PHOTO COURTESY: Mars Pa More (SHOW PAGE)


Ayon sa actress-comedienne, ito raw ay ang batikang aktres na si Cherie Gil.


Aniya, “Si Ms. Cherie Gil… o kaya Princess Punzalan.”

Dagdag pa ni Chariz na nakatrabaho niya noon ang award-winning actress sa Kapuso fantasy series na Sirkus.

“Naka-work ko siya, she's very professional. Sa Sirkus, oh my god miss na miss namin siya,” pagbabahagi ni Chariz.

Ibinahagi naman nina Mars host Camille Prats-Yambao at guest host Sef Cadayona na naranasan na nilang masampal sa eksena.

Alamin ang mga nakakaintrigang tanong para kina Camille, Chariz, Sef, Shayne Sava, at Krissy Achino sa Mars Pa More video sa ibaba.

Para sa mas marami pang celebrity features tulad nito, subaybayan ang Mars Pa More tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:45 a.m., sa GMA.

Samantala, silpin ang mommy moments ni Chariz Solomon sa gallery na ito.