GMA Logo chariz solomon
What's on TV

Chariz Solomon, sumalang na sa 'Your Honor'

By Aedrianne Acar
Published June 14, 2025 9:35 PM PHT
Updated June 15, 2025 12:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Singitan sa pagpasok ng mall parking lot sa Marikina, nauwi sa sakitan
Usa ka SUV natagak paingon sa Mangrove Area sa Cordova | Balitang Bisdak
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News

chariz solomon


Minsan na raw inaya ni Chariz Solomon si Buboy Villar na magsimula ng isang podcast. Alamin kung anong nangyari rito:

Sumakses ang special session ng Your Honor nitong Sabado dahil unang salang ng pinakabagong miyembro ng House of Honorables na si Chariz Solomon a.k.a Madam Cha!

Sa chikahan ng ating House of Honorables, inilahad ni Madam Cha na gusto na niyang mag-host ng isang podcast noon pa.

“Kasi alam n'yo tagal ko pangarap talagang na magkaroon ng podcast, mag-host ng podcast.” kuwento ng StarStruck alumna.

Pagpapatuloy ni Chariz, “Napunta pa ako sa nagplano pa ako mag-produce ng sarili kong podcast. Kaso lang, siyempre, hindi ganun kalakas ang loob ko. Siyempre, sanay tayo sa TV, 'di ba, 'yung pinapanood. Pero ngayon, meron na kasing vodcast kagaya nito, so mas masaya. Mas pinalakas!”

Sundot na kuwento ni Buboy, “Sa mga hindi kasi nakakaalam, totoo po ito, yung huling movie na ginawa natin, dun tayo nakapagkuwentuhan tungkol sa podcast. Nagkukuwentuhan kami na parang, why not kaya noh. Gumawa tayo ng podcast, kuwentuhan lang.”

Kuwento uli ni Chariz, “Gusto ko kasi may kasama, nagkaroon ako ng offer na ako lang mag-isa. Pero parang hindi kasi masaya, kasi halos lahat na nga ng trabaho ko sa soc med mag-isa ko lang ginagawa. Ako nagca-camera, ako nage-edit, ako rin 'yung artista di ba.”

Singit naman ni Buboy, “Ang hirap! Pero siyempre akin lahat ng kita.”

Patuloy ni Chariz, "Kaya sabi ko, gusto ko podcast may kasama ako, so, niyaya ko 'to si Boy. Ano? Gusto mo ba? E, ito puro sige, sige. Puro ganun lang kami pero wala naman natutuloy.

"At least ngayon, meron gumagastos for us. Desahod tayo dito, pupunta lang tayo, pagagandahin tayo 'di ba. Maggugulo-gulo tayo, 'di ba? At bukod pa dun, siyempre, GMA family ang Your Honor, so, bahay talaga. Komportable 'di ba.”

Pinuri rin ni Madam Cha ang lahat ng bumubuo sa Your Honor para sa effort nila na makapag-produce ng isang magandang vodcast at pati na rin ang former host nito na si Tuesday Vargas.

“Ang ganda, ganda ng show n'yo, Boy. Congratulations, siyempre sa nagsimula nito, ang nagtayo nito. Sa buong staff and crew. [Kay] Ate Tuesday [Vargas] and Buboy, napakagaling. Ang ganda, ganda ng show 'pag nagda-drive ka hindi ka maiinip.”

Panoorin dito:

Samantala, kilalanin si Chariz Solomon at ang kaniyang mga pinaghuhugutan sa pagpapasaya