GMA Logo chariz solomon
What's Hot

Chariz Solomon, taos-pusong nagpasalamat sa security at maintenance personnel na naka-duty habang may bagyo

By Aedrianne Acar
Published November 12, 2020 4:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

chariz solomon


Chariz Solomon: “Mas inuna pa nila i-relocate mga sasakyan namin sa safe parking spots kaysa sa safety nila.”

Nagbigay-pugay si Chariz Solomon sa lahat ng frontliners na naka-duty kahit nanalasa ang Bagyong Ulysses.

Photo taken from Chariz Solomon s Instagram account

Sa Instagram post ng Kapuso comedienne, nagpasalamat siya sa security guards at maintenance personnel sa kanilang village, na tuluy-tuloy ang trabaho kahit masama ang panahon.

Kuwento niya, “Grabe yung mga night shift guards and maintenance namin dito sa village kagabi...

“Nagliliparan mga gamit kagabi sa labas, at nagbabagsakan mga puno pero nasa labas sila natanggal nila in no time yang mga puno na bumagsak at humarang sa kalsada (tinalian na yan ng maayos prior bumagsak parin)”

Pagbibida pa ni Chariz na sobrang maasahan ang mga ito.

“Tapos mas inuna pa nila irelocate mga sasakyan namin sa safe parking spots kaysa sa safety nila

“Salamat sa mga security and maintenance namin na sobrang maaasahan talaga.”

Ineganyo din ng Bubble Gang actress ang lahat na suklian ang kabayanihan ng frontliner na nagbibigay serbisyo sa gitna ng isang bagyo.

Paliwanag niya, “Guys kung meron kayong superhero story kagaya nila manong guards namin, bawi tayo sakanila.

“Alam kong trabaho nila ito pero aminin natin, it takes a really good person to brave a storm like that for other people na ni hindi mo kaano-ano.

“Kindness above all talaga. Thank God for them!”

Grabe yung mga night shift guards and maintenance namin dito sa village kagabi... nagliliparan mga gamit kagabi sa labas, at nagbabagsakan mga puno pero nasa labas sila natanggal nila in no time yang mga puno na bumagsak at humarang sa kalsada (tinalian na yan ng maayos prior bumagsak parin) Tapos mas inuna pa nila irelocate mga sasakyan namin sa safe parking spots kaysa sa safety nila 🥺 Salamat sa mga security and maintenance namin na sobrang maaasahan talaga. Guys kung meron kayong superhero story kagaya nila manong guards namin, bawi tayo sakanila. Alam kong trabaho nila ito pero aminin natin, it takes a really good person to brave a storm like that for other people na ni hindi mo kaano-ano. Kindness above all talaga. Thank God for them!

A post shared by Chariz Solomon (@chariz_solomon) on

Base sa weather bulletin ng PAGASA, as of 1 PM, ang mata ng bagyo ay located 140 km West of Iba, Zambales.

Ang Typhoon Ulysses ay may maximum sustained wind of 130 km/h malapit sa gitna at may gustiness na aabot sa 160 km/h.

#OperationBayanihan: Tulong para sa mga victims ng Typhoon Rolly at Ulysses

Kapuso celebrities use social media power to inform the public about Typhoon Ulysses

Super Radyo dzBB anchors, nalungkot sa pinsalang idinulot ng bagyong Ulysses