
Nitong August 25 ay tinanong ni Jennylyn Mercado si Chariz Solomon kung ano ang maipapayo nito sa nakapareha niyang StarStruck hopeful na si Dani Porter.
Ayon kay Chariz, StarStruck ang nagpatibay ng kanyang loob sa industriya.
"Dalawang beses ako natanggal, double dead ako eh. Double dead survivor. So matibay na matibay ako, Dani. Pinagtibay ako ng pagtanggal sa akin dito sa StarStruck." Biro ng Starstruck season 4 graduate.
Dani Porter's artista journey ends in 'StarStruck' | Ep. 22
Dagdag pa ni Chariz, "Ang sinasabi ko sa kanya talaga noong unang nag-meet pa lang kami, hindi naman 'yan pasikatan, patagalan 'yan."
Ayon kay Chariz ay dapat husayan ni Dani pagkatapos ng kompetisyon dahil doon pa lang magsisimula ang totoong laban sa showbiz.
"After ng StarStruck, doon pa lang mag-uumpisa ang totoong laban. 'Yung totoong mundo. Galingan mo kahit pinakamaliit na guesting, mare-regular ka."
Sundan ang artista journey ng Final 6 ng StarStruck season 7 tuwing Sabado pagkatapos ng Daddy's Gurl at Linggo pagkatapos ng Daig Kayo ng Lola Ko.