
Bago ang inaabangang katakutan sa cinema screens, nagpakita muna ng swabeng dance moves sina Charlie Fleming, Allen Ansay, at Sean Lucas online.
Sa TikTok page ni Charlie, masayang nakipag-groove ang Huwag Kang Titingin stars sa isang "Budots" remix.
Kaagad namang pinusuan ng fans ang dance skills ng Kapuso actress, na tinawag pa ng ilan bilang bagong entry sa kanilang “Budots Queen.”
Samantala, marami rin ang natuwa sa sayaw nina Allen at Sean. May ilan pa ngang kinilig sa porma ng dalawang stars na tila may sariling kinang sa dance floor.
"Who's excited for Huwag Kang Titingin??" ani Charlie sa caption ng video.
Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 500,000 views at 60,000 heart reactions ang naturang TikTok video.
@char.lng Who's excited for huwag kang titingin?? @Sean Lucas @Allen Ansay ♬ original sound - Prestige SoundWorks (Official)
Kabilang sina Charlie, Allen, at Sean sa cast ng upcoming horror film na Huwag Kang Titingin. Kasama rin nila rito ang iba pang celebrities tulad nina Sofia Pablo, Marco Masa, Michael Sager, Josh Ford, Kira Balinger, Shuvee Etrata, Anthony Constantino, at marami pang iba.
Abangan ang isang chilling horror experience mula sa GMA Pictures at Mentorque Inc., sa direksyon ni Frasco Mortiz at panulat ni Ays De Guzman.
Samantala, balikan ang thrilling snaps ng Huwag Kang Titingin storycon sa gallery na ito: