
Viral sa TikTok ang first-ever collab ng Sparkle stars na sina Charlie Fleming at Josh Ford.
Sa isa sa mga bagong video ni Charlie sa kaniyang TikTok account, mapapanood ang kulitan nila ni Josh na naging housemate niya sa Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Related gallery: These ex-PBB Celebrity Collab Edition housemates are friendship goals
Kinagiliwan ng fans at netizens ang bonding at kulitan ng tinaguriang Filipino-British o Fil-Brit Siblings Duo.
Game na game na binuhat ni Josh si Charlie, habang ang huli naman ay tila nagpapa-cute lang na parang little sister.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 3.1 million views ang naturang video na ni-repost din ni Josh sa kaniyang TikTok account.
Mababasa naman sa comments section ang positive reactions ng netizens sa kanilang kauna-unahang video.
@char.lng Your Brits are back! We realized we didn't have TikToks together hahaha @Josh Ford ♬ sonido original - 180700
Ang proud Bisaya-British na si Charlie ay ipinanganak noong September 2008, habang si Josh naman ay ipinanganak noong March 2003 sa Portsmouth England.
Nakilala ang Sparkle stars sa Bahay Ni Kuya bilang Bubbly Breadteener ng Cagan De Oro at Survivor Lad ng United Kingdom.
RELATED GALLERY: KAPUSO HOUSEMATES NAGSAMA-SAMA SA GRAND SPARKLE X PBB GRAND MEDIACON