GMA Logo Charlie Fleming AZ Martinez Josh Ford Vince Maristela
Courtesy: gmaregionaltv (IG), sparklegmaartistcenter (IG)
What's Hot

Charlie Fleming, AZ Martinez, Vince Maristela, at Josh Ford spotted sa Hamungaya Festival

By EJ Chua
Published August 30, 2025 3:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Protesters rally in Denmark and Greenland against Trump annexation threat
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Charlie Fleming AZ Martinez Josh Ford Vince Maristela


Magkakasamang bumisita sa Sultan Kudarat ang Kapuso ex-housemates ng PBB Celebrity Collab Edition na sina Charlie Fleming, AZ Martinez, Vince Maristela, at Josh Ford.

Reunited ang ilang Kapuso ex-housemates ng recently concluded reality competition na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Nakisaya at nagpasaya sina Charlie Fleming, AZ Martinez, Vince Maristela, at Josh Ford sa Hamungaya Festival 2025 sa Isulan, Sultan Kudarat.

Sa report para sa GMA Integrated News na ipinalabas sa 24 Oras, ipinasilip ang ilang activities na natunghayan sa naturang festival.

Spotted sa float parade sina Charlie, AZ, Vince, at Josh, habang masayang kumakaway sa kanilang fans at iba pang talaga namang nag-abang sa kanilang pagdating.

Ayon kay Vince, isa sa mga na-enjoy niya sa pagdalo sa event ay ang mga pagkain.

“Makita lang 'yung mga tao, 'yung mga costume nila, it signifies the festival. Ang dami kong nakita, foods, sobrang nakaka-relate talaga ako kasi mahilig ako sa foods,” sabi ni Vince.

Kuwento naman ni AZ, “Nakakita ko ng maraming mangga, paborito ko pa naman 'yun like gusto naming bumili…”

Samantala, bukod sa pagbisita ng ex-housemates, na-enjoy din ng mga mamamayan doon ang engrandeng fireworks display at iba't ibang performances, kung saan tampok ang kultura ng kanilang lugar.

Related gallery: These ex-PBB Celebrity Collab Edition housemates are friendship goals