
Si Kapuso actress and ex-PBB housemate Charlie Fleming ang bida sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Sa episode na pinamagatang "My Stage Mom," gaganap si Charlie bilang Alice, anak na pilit na dinadala ng nanay niya sa mga auditions.
Dati kasing aktres ang nanay niyang si Joy, karakter ni Tina Paner, pero malilit na roles lang ang nakukuha nito.
SILIPIN ANG MGA EKSENA SA EPISODE RITO:
Huwag palampasin ang bagong episode na "My Stage Mom," May 18, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.