
May bago na namang pagkakaabalahan ang mga fans ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition third big placer Charlie Fleming dahil ang Kapuso star ang bagong digital cover star ng isang local lifestyle magazine.
Makikita si Charlie sa December 2025 digital issue ng L'Officiel Philippines, kung saan sweet na sweet ang hitsura nito suot ang isang purple dress, pink Crocs clogs, at puting lace gloves.
Sa caption ng Instagram post ng L'Officiel Philippines, isinulat ng magazine na natututo na si Charlie na magtiwala sa kanyang sariling boses. Isinaad din ng magazine na kahit sa batang edad ay merong “mix of softness and certainty” si Charlie na kapani-paniwala at hindi praktisado.
Ilan lamang sa mga kapwa Sparkle stars na nagpahayag ng suporta kay Charlie sa comments section ay sina Max Collins, Josh Ford, at Shuvee Etrata.
Ang digital cover ni Charlie para sa L'Officiel Philippines ay isa lamang sa mga project ni Charlie pagkatapos ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition. Kamakailan lamang ay pinakilala bilang isa sa mga brand ambassadors ng IAM Amazing Organic Barley Gummies si Charlie kasama ang kapwa PBB housemate na si Shuvee Etrata.
Parte rin ng upcoming Kapuso show na The Master Cutter si Charlie.
Related gallery: PBB duos shine in local lifestyle magazine's photoshoot