GMA Logo Charlie Fleming
What's Hot

Charlie Fleming, birthday wish na ma-explore ang mundo ng music

By EJ Chua
Published September 18, 2025 11:45 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Charlie Fleming


Isang door ng opportunity pa ang hinihintay ni Charlie Fleming na magbukas para sa kanya bilang artist.

Nagdiwang ng kanyang 17th birthday ang Sparkle star na si Charlie Fleming nitong September 7, 2025.

Sa showbiz report ni Athena Imperial na ipinalabas sa Unang Hirit, sinagot ni Charlie ang tanong ng una kung ano ang kanyang birthday wish.

Ayon sa young Kapuso star, gusto niyang ma-explore ang music at performing world.

“One door that does not open for me yet but I am really praying that it does open is music,” sagot niya.

Ayon pa kay Charlie, “I sing and dance, something that I've always been looking forward to from time to time.”

Sa parehong report, ipinasilip ang stunning at doll-like looks ni Charlie na kuha mula sa kanyang recent pictorial.

Courtesy: Unang Chika, GMA Public Affairs

Samantala, kasalukuyan niyang pinaghahandaan ang kanyang role sa upcoming horror film na pinamagatang Huwag Kang Titingin.

Nakilala si Charlie sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition bilang Bubbly Breadteener ng Cagayan De Oro.

Ang Sparkle star at ang kanyang final duo sa loob ng Bahay Ni Kuya na si Esnyr ang itinanghal na Third Big Placer Duo sa reality competition na itinuturing ding big collaboration project ng GMA at ABS-CBN.

Related gallery: These ex-PBB Celebrity Collab Edition housemates are friendship goals