GMA Logo Charlie Fleming
Photo source: Dom Cruz, charlie.flmn (IG)
What's Hot

Charlie Fleming, inaming nagkaroon ng 'panic attack' noong 'PBB' days

By Karen Juliane Crucillo
Published December 22, 2025 6:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa | Balitang Bisdak
Jeepney driver, patay matapos barilin ng salaring nagkunwaring pasahero sa Antipolo City
Michelle Dee celebrates the holidays with a designer bag

Article Inside Page


Showbiz News

Charlie Fleming


Charlie Fleming: “'Yung pinakamalala kong moment talaga sa loob ng [Bahay ni Kuya] is nag-panic attack ako.”

Ngayong papalapit na ang katapusan ng taon, binalikan ni Charlie Fleming ang kanyang mga alaala sa loob ng Bahay ni Kuya bilang isa sa pinaka-memorable niyang journey ngayong 2025.

Sa panayam kasama ang kanyang best friend at Sparkle artist na si Mark Oliveros o kilala bilang “Yes na Yes for You,” sa unang episode ng kanyang podcast, ibinahagi ng ex-PBB housemate ang kanyang pinakamatinding karanasan sa loob ng Bahay ni Kuya.

“'Yung pinakamalala kong moment talaga sa loob ng bahay is nag-panic attack ako na hindi nila inere 'yun, and that's why naging close kami ni Ate Michelle Dee,” kuwento ni Charlie.

Ibinahagi ng Sparkle artist na ang beauty queen ang unang nakapansin ng kanyang panic attack, bago ito napansin ng iba pang housemates na patuloy siyang kinumusta.

“I was having a panic attack parang early symptoms na siya, nasa corner ako ng room sa Bahay ni Kuya. There was a corner na I was sitting at and then, kasi I was breathing, kasi I noticed na parang hala hindi na ako makahinga, iiyak na ako tapos biglang lumapit si Kira [Balinger] then lumapit si Josh [Ford] tapos unti-unting na-notice na nila na parang may panic attack na akong nangyayari, and they don't know what to do,” kuwento niya.

Dagdag pa niya, “They kept coming closer, they kept surrounding me and mas lalo akong na-overwhelm, mas lalo akong umiyak, and then sabi ko talaga “No, it's okay, I'm okay” gumaganon ako, humahagulgol ako na hindi makahinga.”

Laking pasasalamat ni Charlie nang lapitan at tulungan siya ni Michelle upang makontrol muli ang kanyang paghinga.

“Ate Michelle, na-notice niya, and she knew how to handle it kaya nilapitan niya ako tapos she's just 'Everyone, move away' ganon tapos si Ate Michelle, ako tapos she let everyone move away, I couldn't even look at them like hindi ako nakatingin talaga sa kanila ng maayos,” aniya.

Ibinahagi rin ni Charlie na malaki ang naging tulong ni Dustin Yu sa kanya noong mga sandaling iyon.

“And then, Dustin was the one who rang the doorbell and brought me to the confession room, and binigyan niya ako ng brown paper bag to breathe. That's why, close ko pa rin talaga si Dustin,” pahayag niya.

Inamin ni Charlie na inabot siya ng tatlong oras bago tuluyang naka-recover mula sa panic attack habang nasa confession room siya.

Si Michelle Dee ay isa sa mga naging celebrity houseguest noon sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Itinanghal sina Charlie at Esnyr o CharEs bilang Third Big Placer sa totoong teleserye ng buhay.

Panoorin ang buong panayam ni Charlie rito:

RELATED GALLERY: Charlie Fleming's photos that capture her Gen Z energy