GMA Logo charlie flemming
Courtesy: charlie.flmn (IG)
What's Hot

Charlie Fleming is a stunning young lady at 17

By EJ Chua
Published September 17, 2025 12:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Michael Jordan tells court he 'wasn't afraid' of NASCAR
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

charlie flemming


Bukod sa pictorial, na-enjoy din ni Charlie Fleming ang intimate birthday celebration niya kasama ang kanyang mga kaibigan.

Nagmistulang living doll ang Sparkle star na si Charlie Fleming sa kanyang recent birthday pictorial.

Related gallery: Meet Charlie Fleming

Sa "Unang Chika" report ni Athena Imperial na ipinalabas sa Unang Hirit, ipinasilip ang stunning looks ni Charlie kaugnay ng selebrasyon ng kanyang 17th birthday.

Sa Instagram, mayroon na ngayong 237,000 heart reactions ang kanyang post, kung saan tampok ang kanyang doll-like at mala-playful teenager looks.

A post shared by Charlie Fleming (@charlie.flmn)

Ibinahagi ni Charlie nagkaroon siya ng intimate celebration kasama ang kanyang malalapit na kaibigan.

Pahayag niya, “My friend took me to a restaurant near our place and figured out all of my friends were there.”

“Since after Pinoy Big Brother it has been a bit hectic, 'yung schedule ko, and I haven't seen them all in one room after so long,” dagdag pa ng Kapuso star.

Ayon pa kay Charlie, ang pagpunta niya sa Australia kamakailan lang ay itinuturing na niyang birthday gift para sa kanya dahil isa ito sa mga bansang pangarap niya lang noon na mapuntahan at ngayon ay natupad na.

Si Charlie ay nakilala sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition bilang Bubbly Breadteener ng Cagayan De Oro.

Siya at ang kanyang final duo na si Esnyr ang itinanghal na Third Big Placer Duo sa reality competition na collaboration project ng GMA at ABS-CBN.

These ex-PBB Celebrity Collab Edition housemates are friendship goals