GMA Logo Charlie Fleming
Source: charlie.flmn (IG)
What's Hot

Charlie Fleming, itinanghal bilang ika-apat na PIPOL's Faces of the Year (Female)

By Kristian Eric Javier
Published October 16, 2025 5:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Turkish Airlines flight makes emergency landing in Barcelona after threat
Sinulog 2026: Around 20,000 devotees join 'Traslacion'
Farm To Table: Panalo sa sarap!

Article Inside Page


Showbiz News

Charlie Fleming


Isang malaking milestone ang nakamit ni Charlie Fleming nang kilalanin siya bilang isa sa Faces of the Year ng Village Pipol Magazine.

Kahit siya ang pinakabatang housemate ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, pinatunayan ni Charlie Fleming na may ibubuga siya lalo na nang tanghalin siya bilang ika apat sa PIPOL's Faces of the Year category ng 7th VP Choice Awards ng Village Pipol Magazine.

Ang VP Choice Awards ay isang award-giving body na nagbibigay ng pagkilala sa biggest at brightest sa larangan ng travel, lifestyle, technology at entertainment. Ang mga mananalo ay pinipili ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pagboto.

A post shared by Sparkle GMA Artist Center (@sparklegmaartistcenter)

Mula sa pagiging TikTok creator, naging parte na rin si Charlie ng Sparkle Artist Center, ang talent arm ng GMA Network, at naging parte ng iba't ibang mga serye, kabilang na ang Royal Blood at Widows' War.

Isa man si Charlie, kasama ang ka-duo niyang si Kira Balinger, sa ikalawang duo na na-evict mula sa bahay ni Kuya, nagawa naman niyang makabalik at manalo bilang third big placer kasama si Esnyr.

TINGNAN ANG 17TH BIRTHDAY PHOTOSHOOT NI CHARLIE SA GALLERY NA ITO:

Ngayon, isa si Charlie sa mga bibida sa upcoming horror film na Huwag Kang Titingin kasama ang kapwa ex-PBB housemates na sina Michael Sager, Sean Lucas, Josh Ford, Kira Balinger, at Shuvee Etrata. Makakasama rin nila sina Sofia Pablo, Allen Ansay, Marco Masa, Anthony Constantino, at marami pang iba.

Sa isang panayam sa 24 Oras, inamin ni Charlie na masaya siya kasama ang cast ng naturang pelikula, at sinabing “super exciting” ang istorya at bonding nila sa set.