
May mahalagang mensahe si Charlie Flemming sa ilang karakter sa hit murder mystery drama series na Widows' War.
Napapanood siya sa serye bilang si Sofia, ang anak nina Galvan at Vivian na role naman nina Tonton Gutierrez at Lovely Rivero.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Charlie, inilahad niya ang gusto niyang sabihin sa mga magulang ng kanyang karakter.
Hiling niya, “To my parents sa Widows' War, sana magkabati na kayo.”
Nabanggit din ng young actress ang madalas na pag-aaway nina Vivian at Galvan na parte ng istorya ng Widows' War.
Sa hiwalay na panayam, ibinahagi ni Charlie na ang paborito niya tungkol sa kanyang karakter ay ang kikay outfits ni Sofia.
May kinalaman kaya ang karakter niya na si Sofia sa mga nangyaring patayan sa serye?
Patuloy na tumutok sa paganda nang pagandang istorya ng Widows' War na pinagbibidahan ng A-list Kapuso actresses na sina Bea Alonzo at Carla Abellana.
Mapapanood ang murder mystery drama series tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream.