GMA Logo Charlie Fleming
What's Hot

Charlie Fleming, may nakakakilabot na teaser para sa horror film na 'Huwag Kang Titingin'

By Kristine Kang
Published March 30, 2026 6:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Visitors enjoy sakura season in Tokyo
2 Managsoong Batang Babaye, Patay human Maapil og Kasunog | Balitang Bisdak
These sites in Intramuros are open during the Holy Week

Article Inside Page


Showbiz News

Charlie Fleming


Panoorin ang ginawang teaser ni Charlie Fleming para sa upcoming film na 'Huwag Kang Titingin'.

Nadagdagan ang takutan online matapos magbahagi ng isang nakakakilabot na post ang Huwag Kang Titingin star na si Charlie Fleming.

Sa kanyang social media pages, ibinahagi ni Charlie ang ginawa niyang teaser video para sa kanilang upcoming horror film.

Sa umpisa, aakalain na isa lamang itong normal na TikTok video ng Kapuso actress. Ngunit nang may sumilip sa kanyang likod, biglang nag-iba ang timpla ng eksena.

Unti-unting naglakad si Charlie papunta sa isang madilim na basement. Habang may mga kakaibang tunog na maririnig. Lalo pang tumindi ang tensyon nang biglang may nabuong mga salita sa salamin.

Hindi napigilan ng ilang fans ang matakot sa mga sumunod na eksena ng teaser.

Samantala, marami rin ang humanga sa acting skills ni Charlie at sa creativity ng video. Kabilang sa mga sumuporta ang kanyang Huwag Kang Titingin co-stars na sina Michael Sager, Sean Lucas, at Shuvee Etrata.

"HEART ATTACK SO MUCHHH😭😭👻❤️ OUR FINAL GIRL EXCITED NAAAA" komento ng isang fan.

"We can't wait to watch you on the big screen. Proud of you 🩷," dagdag pa ng isa.

A post shared by Charlie Fleming (@charlie.flmn)



Mapapanood na ang chilling horror experience na Huwag Kang Titingin sa mga sinehan simula April 15.

Ito ay ilalim ng produksyon ng GMA Pictures at Mentorque Inc., sa direksyon ni Frasco Mortiz at panulat ni Ays De Guzman.

Kasama rin sa star-studded cast sina Sofia Pablo, Allen Ansay, Marco Masa, Michael Sager, Kira Balinger, Josh Ford, Sean Lucas, Anthony Constantino, at special participation ni Shuvee Etrata.

Samantala, silipin ang masasayang highlights ng Huwag Kang Titingin cast sa kanilang Caloocan at Cebu City visits sa gallery na ito: