GMA Logo Charlie Fleming
Courtesy: @char.lng, Charlie Fleming (TikTok)
What's Hot

Charlie Fleming, may panawagan kay Big Brother

By EJ Chua
Published October 26, 2025 2:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Charlie Fleming


Charlie Fleming sa pagpasok ng kanyang mga kaibigan sa Bahay Ni Kuya: “Kuya pinasok mo lahat ng kaibigan nung wala na ako… I want to see my friends.”

Trending sa TikTok ang latest video ni Charlie Fleming, kung saan naging emosyonal siya habang inilalahad ang request at makulit na hinaing niya kay Big Brother.

Naiyak si Charlie matapos niyang malaman na official housemates sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 ang karamihan sa kanyang mga kaibigan sa showbiz.

Ang tinutukoy ng Sparkle star ay sina Lee Victor, Joaquin Arce, Waynona Collings, Marco Masa, at Ashley Sarmiento.

Mensahe ni Charlie kay Big Brother, “Kuya, pinasok mo lahat ng kaibigan nung wala na ako. Ngayon nanonood ako ng PBB naiiyak na lang ako kasi namiss ko sila.”

Kasunod nito, binanggit niya ang pangalan ng kanyang mga kaibigan na nasa loob na ng iconic house.

“Kuya, kinuha mo si Lee [Victor], kinuha mo si Joaquin, kinuha mo si Waynona [Collings]. Pati si Marco [Masa], si Ashley [Sarmiento]... Kuya, nung batch ko ako lang 'yung bagets ha. Tapos ngayon bagets na, friends ko pa.

“Ang sakit Kuya, I want to see them. Put me in, please. Can I say hi? Can I just visit the house and say hi? I want to see my friends. Ang sakit ng mga edits, nakalagay, all of Charlie's friends in PBB, sila lahat. Ang sakit,” dagdag pa niya.

Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 4 million views ang TikTok video ni Charlie.

@gmanetwork "KUYAAA KINUHA MO FRIENDS KOO 😭😭😭" #CharlieFleming, may panawagan kay Big Brother! 😅 🎥: Charlie Fleming on Tiktok #GMAPBBCollab #PBBCollabWithGMA ♬ original sound - GMA Network

Samantala, si Charlie at ang kanyang final duo na si Esnyr ang itinanghal na Third Big Placer Duo sa unang season ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Related gallery: The Big ColLove Fancon