
Trending sa TikTok ang latest video ni Charlie Fleming na may koneksyon sa mga kaganapan ngayon sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Matapos ang malungkot na mga eksena sa ikatlong eviction night nitong Sabado, April 26, bumungad sa housemates ang isang bagong sorpresa.
Related gallery: Meet the Kapuso, Kapamilya housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition'
Labis na ikinagulat at ikinatuwa ng lahat ang pagdating ng Kapamilya star na si Donny Pangilinan sa Bahay ni Kuya habang dala niya ang ilang special package para sa housemates.
Kaugnay nito, napa-react ang ex-PBB housemate na si Charlie Fleming tungkol sa houseguest na si Donny at tila may tampo siya kay Big Brother.
Hinaing niya, “Kuya, pinasok mo si Donny [Pangilinan] nang wala na 'ko. I wanted to see him.”
“Tapos parinig ako nang parinig Kuya, Donny lang po pasok n'yo na. Pinalabas ako tapos pinasok siya, sabi pa ng Sparkle star sa kaniyang TikTok video.
Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 7 million views ang naturang video.
@char.lng WAHHHH DONNY AND MIAH LNG PO REQUEST KO DIBAAA 😭😭
♬ original sound - Charlie Fleming
Nakilala si Charlie sa programa bilang Bubbly Breadteener ng Cagayan De Oro.
Ang Hopeful Belle ng Cavite na si Kira Balinger ang kaniyang ka-duo bago siya ma-evict sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Samantala, ano pa kaya ang task ni Donny Pangilinan sa loob ng Bahay ni Kuya?
Mapapanood ang teleserye ng totoong buhay ng mga sikat, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.