GMA Logo Charlie Flemming, Bea Alonzo, Jean Garcia, Tonton Gutierrez
Courtesy: GMANetwork.com, Widows' War
What's on TV

Charlie Fleming, na-pressure sa kanyang 'Widows' War' co-stars?

By EJ Chua
Published June 19, 2024 6:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

19 areas under Signal No. 1 as Wilma approaches Samar Island
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Charlie Flemming, Bea Alonzo, Jean Garcia, Tonton Gutierrez


Kabilang ang Sparkle star na si Charlie Fleming sa cast ng 2024 murder mystery drama series na 'Widows' War.'

Ang isa sa charmers ng Sparkle Teens na si Charlie Fleming sa mapapanood ngayong 2024 sa murder mystery drama series na Widows' War.

Kasama ni Charlie ang bigating Kapuso actresses na bibida sa serye na sina Bea Alonzo at Carla Abellana.

Bukod sa kanila, katrabaho rin ng young actress sa upcoming series ang batikang mga aktor na sina Tonton Gutierrez, Lito Pimentel, Lovely Rivero, Jean Garcia, at marami pang iba.

Nang kumustahin ng GMANetwork.com si Charlie at ang set ng Widows' War, inilahad ng Sparkle star ang ilang sa kanyang nararamdaman at karanasan bilang isa sa cast members ng programa.

Ayon sa kanya, “Honestly po naku-culture shock pa rin ako. Hindi ko inakala na kasama ko 'yung really good actresses and actors in Widows' War.”

Ipinagpapasalamat ng Sparkle star na parte siya ng naturang serye.

Pahayag ni Charlie, “I'm very thankful po sa opportunity.”

“Ang working relationship ko naman with them is actually really well. Minsan nakikita ko rin sila… and there's time to catch up with them,” sabi pa niya.


Makikilala si Charlie sa serye bilang si Sofia, isang spoiled brat na miyembro ng Palacios family.

Sino-sino kaya ang makakasundo at magiging kaaway niya sa loob ng mansyon?

Samantala, kabilang din sa cast ang fellow young Sparkle stars ni Charlie na sina James Graham at Matthew Uy.

Abangan ang Widows' War, magsisimula nang mapanood sa darating na July 1 sa GMA Prime.