GMA Logo Charlie Fleming
Photo source: char.lng (TikTok)
What's Hot

Charlie Fleming, nag-react sa pagpasok ni Esnyr bilang houseguest sa 'PBB 2.0'

By Karen Juliane Crucillo
Published November 3, 2025 3:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: April 1, 2026
Libreng papsmear at breast exam, handog ng GMAKF sa 100 babae sa Cebu | 24 Oras
Social Experiment - Gasolina para sa nangangailangan; pasahero, nagbulsa ng pamasahe? | Good News

Article Inside Page


Showbiz News

Charlie Fleming


Basahin dito ang reaksyon ni Charlie Fleming sa pagpasok ng kanyang final duo na si Esnyr bilang houseguest sa 'PBB Celebrity Collab Edition 2.0.'

Noong Sabado, November 1, nagbalik si Esnyr sa PBB Celebrity Collab Edition 2.0 bilang houseguest.

Sa TikTok, hindi napigilan ni Charlie Fleming na magbigay ng mensahe kay Kuya matapos niyang malaman na si Esnyr ay muling pumasok sa loob ng Bahay ni Kuya.

“Kuya, pinasok mo 'yung final duo ko. 'Yan ang ine-expect mo na well girl, not today. You know, let's be more mature, 'wag na tayo magsigawan sa screen,” sabi ni Charlie.

Kasabay ng pagpasok ng kanyang final duo, nagbigay rin siya ng isang mensahe para kay Kuya.

“Kuya, message ko 'to para sayo, sana makaabot po. I forgive you po. I forgive you for all of the things you've done to me kahit nasaktan po talaga ako, okay lang, kahit pinasok mo si Donny [Pangilinan] na wala ako, pinasok mo po lahat ng kaibigan ko, then iiwan ako sa labas mag-isa, kahit po kinuha niyo 'yung final duo ko at pinasok mo siya,” aniya.

Biro pa ni Charlie, napatawad na raw niya si Kuya kahit pinaghiwalay sila ni Esnyr dahil “nangingibabaw na po 'yung pagmamahal ko para sa'yo.”

Dagdag pa niya, “Sana mahanap niyo po sa puso niyo na ma-forgive mo din ako. So, I hope na we get on better terms po, Kuya. Mahal kita. I love you po, Kuya. Mwa.”

Nag-reply naman si Esnyr sa comments section at sinabing, “SAN KA NA TEH D2 NA ME.”

“BAT DI MO AKO PINASOK SA LUGGAGE,” sagot ni Charlie.

@char.lng

I'm ready to reconcile and reconnect kuya !

♬ original sound - Charlie Fleming

Nag-trending din si Charlie noon nang manawagan ito kay Kuya na ipasok siyang muli dahil halos lahat ng housemates sa PBB 2.0 ay mga kaibigan niya.

“Kuya, pinasok mo lahat ng kaibigan nung wala na ako. Ngayon nanonood ako ng PBB naiiyak na lang ako kasi na-miss ko sila. Kuya, kinuha mo si Lee [Victor], kinuha mo si Joaquin, kinuha mo si Waynona [Collings]. Pati si Marco [Masa], si Ashley [Sarmiento]... Kuya, nung batch ko ako lang 'yung bagets ha. Tapos ngayon bagets na, friends ko pa,” sabi ng ex-PBB housemate.

“Ang sakit, Kuya, I want to see them. Put me in, please. Can I say Hi? Can I just visit the house and say Hi. I want to see my friends. Ang sakit ng mga edits, nakalagay, all of Charlie's friends in PBB, sila lahat. Ang sakit,” dagdag pa niya.

@char.lng

KUYAAA KINUHA MO FRIENDS KOO 😭😭😭 PAKI BALIK NA PO SA HOUSEEE

♬ original sound - Charlie Fleming

Samantala, si Charlie at si Esnyr ang itinanghal na Third Big Placer Duo sa unang season ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

RELATED GALLERY: Charlie Fleming's photos that capture her Gen Z energy