
Ramdam na ramdam na ang GMA Gala 2025 fever, lalo na't maraming Kapuso stars ang abala na sa paghahanda ng kanilang dazzling outfits for the night.
Isa na rito ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition third big placer na si Charlie Fleming.
Sa panayam niya kasama ang GMA Integrated News, masayang nagbigay si Charlie ng hint tungkol sa kaniyang outfit para sa main gala.
Ayon sa kaniya, ang kaniyang isinuot na pink silk dress na may floral details sa GMA Gala 2025 Partners' Night ay clue sa kaniyang full gala look.
Gumamit naman siya ng isang butterfly purse at pink high heels para sa kaniyang pink dress na nagbigay sa kaniya ng soft at girly aesthetic.
"This is a little bit of a hint na po on what's gonna happen sa gala po natin. Nakikita po natin medyo bongga ang outfits ngayon. So how much more na lang po sa gala na aabangan dapat nila 'yon," masayang sinabi niya.
Ibinahagi rin ni Charlie ang kaniyang look sa Instagram na may caption na: "Just the tip of the iceberg! #GMAGala2025."
Kaagad pinusuan ito ng kaniyang fans kasama ang iba pang celebrities kagaya nina Mika Salamanca, Ralph De Leon, at Anne Curtis. Ang Kapuso global fashion and style icon na si Heart Evangelista napasabi ng "I meannnnnn…🩷"
Makakasama rin ni Charlie sa GMA Gala 2025 ang iba pang PBB housemates, Kapuso stars, celebrities, at influencers ngayong Sabado, August 2.
Para sa iba pang exciting updates mula sa most glamorous night of the year, i-follow lang ang GMANetwork.com at official social media accounts ng GMA Network at Sparkle.
SAMANTALA, BALIKAN ANG HEARTWARMING MOMENTS NG GMA GALA 2025 PARTNERS' NIGHT SA GALLERY NA ITO: