
Para kay Charlie Fleming, parang nawalan siya ng freedom noong bumalik siya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition bilang isa sa dalawang nakakuha ng wildcard slot. Kasabay niyang nagbalik sa loob ng Bahay ni Kuya si Ralph De Leon.
Matatandaan na si Charlie, kasama ang ka-duo niyang si Kira Balinger, ang ikalawang duo na natanggal mula sa Bahay ni Kuya noong April 12 eviction night.
Sa pagbisita nila ng ka-duo niyang is Esnyr sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, July 16, tinanong ni King of Talk Boy Abunda kung naging advantage ba ang pagbalik niya sa loob ng Bahay ni Kuya matapos makalabas.
Sagot ng 16-year-old Kapuso actress, “Honestly, it wasn't kasi it was hard to adjust when we got back inside the house again. When you're outside the house, when you get evicted for a month, you get to feel that free will, you get to feel the freedom that you have outside the house.”
"And then, we come back inside the house, you can't bring that free will inside anymore. You can't say some certain things.”
Sinabi rin ni Charlie na kahit pa may nalaman siya mula sa labas ng Bahay ni Kuya, hindi niya iyon dinala sa loob dahil alam niyang iba ang mundo sa loob.
BALIKAN ANG BIG 4 DUOS NG 'PINOY BIG BROTHER: CELEBRITY COLLAB EDITION' SA GALLERY NA ITO:
Ito rin ang naging sentimyento ni Ralph nang bumisita siya, kasama ang ka-duo na si Will Ashley, sa programa noong July 10. Aniya, naging pasanin ang mga nalaman niya mula sa labas ng Bahay ni Kuya pagbalik nila sa loob.
“For me po talaga, knowing those things na I learned outside, parang hindi po talaga siya naging advantage. Actually, mas naging burden pa nga siya,” ani Ralph.
Panoorin ang buong panayam kina Charlie at Esnyr dito: