
Hindi lingid sa kaalaman ng marami, interesado ang The Master Cutter actresses na sina Charlie Fleming at Shuvee Etrata na sumali sa pageants at maging beauty queen. Sa katunayan, minsan nang inamin ng dalawang dating Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemates na pangarap nila ito.
Pero sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, March 30, inamin nina Charlie at Shuvee na isinasantabi muna nila ang pangarap na ito para sa ibang bagay.
Pag-amin ni Shuvee, at one point, ginusto niyang maging beauty queen, lalo na at kamakailan lang ay ire-represent ng kaibigan na si Roxie Smith ang Baguio para sa Miss Universe Philippines 2026.
“Pero, Tito, by now that I have these opportunities to really hone my craft as an artist, parang mas gusto ko, du'n muna ako, Tito Boy. I-maximize ko muna 'yun and who knows? Maybe two years, three years from now, babalika ako du'n,” sabi ng aktres.
Aminado naman si Charlie na pageantry ang first love niya lalo at lumaki siyang nanonood ng beauty contests.
“At the moment po, it's still in one of my cards, I will never say no to it, but currently, I wanna see the direction of my life goals,” sabi ni Charlie.
KILALANIN ANG KAPUSO STARS NA MAY POTENSYAL SUMALI SA BEAUTY PAGEANTS SA GALLERY NA ITO:
Ngayon ay bibida ang dalawa sa upcoming GMA series na The Master Cutter kung saan kasama nila si Dingdong Dantes. Bukod rito ay pareho rin silang kasama sa summer horror film na Huwag Kang Titingin ng GMA Pictures.
Kaya naman, tanong ni King of Talk Boy Abunda, “Do you think about 'Ano ba ang gagawin ko para mapatagal ko ang tagumpay na ito?'”
Sabi ni Charlie, isang bagay na nagagawa niya ay pagpo-post sa social media sites, partikular na sa TikTok.
“They really do work because we're on the day and age po na people are rerally online so if you're constantly seen online, I think you're gonna stick really more to people. And if you're constantly on shows, doing your best in shows like if magaling po kayo na aktor, it sticks really to people na 'Magaling 'yung role niya, I like this girl, I wanna see her more in TV,'” sabi ng aktres.
Si Shuvee naman, binalikan ang naririnig niya noong unang pumasok sa showbiz, kung gaano kaimportante ang longevity sa kanilang karera.
“Before, Tito Boy, I wanna be honest with you, I get pressured a lot. Lahat naman 'to ginagawa mo para saan ba? Para ba sa kasikatan? I don't think, Tito Boy, gagawin o 'to para sa kasikatan. Personally, before, pressure 'yung umaapaw sa puso ko. But now, I'm more intentional with how I'm able to inspire people,” sabi ng aktres.