
Sina Lee Victor at Inigo Jose ang recent evictees sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Bukod sa maagang paglabas mula sa Bahay Ni Kuya, naging emosyonal din si Lee nang salubungin siya ng itinuturing niyang twin at malapit na kaibigan na si Charlie Fleming.
Sa post ng Sparkle GMA Artist Center sa social media, makikita ang reunion photos ng Kapuso teen stars sa labas ng iconic house.
Mayroon ding photo si Lee kasama ang kanyang Sparkle family at fellow evictee na si Iñigo Jose.
Samantala, matatandaang naging very supportive rin si Lee noong si Charlie naman ang nasa loob ng Bahay Ni Kuya bilang isa sa housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Si Charlie at ang kanyang final duo na si Esnyr ang itinanghal na Third Big Placer Duo sa naturang teleserye ng totoong buhay.
Related gallery: Meet the housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'