
Talaga namang extra special ang 18th birthday celebration ni Charlie Fleming.
Sa set of photos na ibinahagi ng Sparkle GMA Artist Center, makikita kung sinu-sino ang mga dumalo at nakisaya sa kanyang debut.
Parte ng 18 Roses ni Charlie ang ilang ex-housemates ng 'Pinoy Big Brother' na malapit sa kanya.
Ilan sa kanila ay ang mga nasama ng Sparkle star noon sa Bahay Ni Kuya sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.'
Sila ay sina Dustin Yu, Brent Manalo, Josh Ford, River Joseph, at Emilio Daez.
Bukod sa kanila, kabilang din sa 18 Roses ng 'The Master Cutter' star ang ex-housemates ng 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0' sina Marco Masa, Lee Victor, Anton Vinzon, at Iñigo Jose.
Matatandaang si Charlie ang itinanghal na Kapuso Third Big Placer sa Big Night ng unang collab edition ng 'Pinoy Big Brother.'
Kasama niyang naging Third Big Placer ang naging final duo niya sa loob ng iconic house na si Esnyr.