
Patuloy na humahakot ng million views ang videos at entries ni Charlie Fleming sa TikTok.
Isa na sa mga ito ang inupload noon ni Charlie, kung saan ni-recreate niya ang dramatic scenes ni Mika Salamanca sa throwback video ng huli na mabilis na nag-viral sa social media.
Maririnig sa video ng young Sparkle star na siya ay nage-emote habang kinakanta ni Mika ang 2011 track ni Sarah Geronimo na 'Sino Nga Ba Siya.'
Mababasa sa caption na tinanong pa ni Charlie si Mika kung pasado ba ang kanyang version, kung saan ginawa niya ito habang siya ay nasa isang beach.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 13 million views sa kilalang video-sharing application ang pasabog na entry ng Bubbly Breadteener ng Cagayan De Oro.
@char.lng Pasado na po bah ? @Mahika ♬ original sound - budol_finds - 👷🏻♀️InhinyerangWalangTulogೀ
Matatandaang nahalungkat ng fans at netizens ang old video ni Mika pagkatapos ng naging journey niya at ng iba pang celebrity housemates sa Bahay Ni Kuya.
Si Mika at si Brent Manalo ang itinanghal na Big Winner Duo sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, habang si Charlie naman at ang final duo niya na si Esnyr ang Third Big Placer Duo sa reality competition.
Ang Second Big Placer Duo at Fourth Big Placer Duo naman sa successful collaboration project ng GMA at ABS-CBN ay sina Will Ashley at Ralph De Leon, at AZ Martinez at River Joseph.
Samantala, ngayong October 2025, muling magbubukas ang iconic na Bahay Ni Kuya para sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Related gallery: Sparkle's big homecoming surprise for Kapuso Big Four