What's on TV

Chat with 'Yagit's Nay Dolores, Tyang Flora, and Mommy Izel on July 16

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 23, 2020 8:28 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Rachel McAdams is honored with a star on Hollywood's Walk of Fame
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Huwag kalilimutang mag-online at makisaya sa naggagandahang mommies na ito sa July 16, 3:00 p.m. to 5:00 p.m. (Philippine time).

By AL KENDRICK NOGUERA

 
Mga Kapuso, ito na ang chance ninyong maka-bonding ang mommies ng Yagit na sina Yasmien Kurdi, LJ Reyes at Bettinna Carlos! Join this exclusive and fun event by logging on GMANetwork.com/livechat this Thursday, July 16, 2015, from 3:00 p.m. to 5:00 p.m. (Philippine time).
 
Sa itinatakbong istorya ng Afternoon Prime soap, magkakaaway ngayon sina Dolores (Yasmien), Flora (LJ) at Izel (Bettinna). 
 
Si Dolores ay galit na galit ngayon sa kanyang hipag na si Flora dahil pinabayaan niya sina Tomtom at Jocelyn, ang mga anak ng kapatid ni Dolores na si Kardo. Samantala, hindi pa rin natatapos ang pag-aagawan nina Dolores at Izel kay Victor. 
 
WATCH: Ang tunay na magkaribal sa 'Yagit'
 
Pero time out muna sa away-away dahil sa unang pagkakataon ay masasaksihan ninyo sina Yasmien, LJ at Bettinna nang hindi nagtatarayan at nagsasampalan sa gaganaping GMANetwork.com Live Chat! Huwag kalilimutang mag-online at makisaya sa naggagandahang mommies na ito sa July 16, 3:00 p.m. to 5:00 p.m. (Philippine time).