GMA Logo Che Cosio
What's on TV

Che Cosio, nakakatanggap ng papuri mula sa netizens bilang si Dra. Katie Enriquez sa 'Abot-Kamay Na Pangarap

By EJ Chua
Published November 23, 2022 11:14 AM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Che Cosio


Idol n'yo na rin ba sa acting-an si Che Cosio, mga Kapuso?

Bukod sa lead actresses na sina Jillian Ward at Carmina Villarroel, nakakatanggap din ng papuri mula sa netizens ang aktres na si Che Cosio na napapanood din sa hit GMA afternoon series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Kasalukuyang napapanood sa serye si Che bilang si Dra. Katie Enriquez, ang istriktong chief resident sa APEX Medical Hospital.

Hinahangaan ng netizens ang aktres at ang kaniyang karakter dahil sa husay niya sa pagganap bilang isang doktor sa naturang inspirational-medical drama series.

Kung noon ay kinaiinisan siya ng marami dahil sa pagiging isang mataray na doktor, ngayon ay marami nang humahanga sa kaniyang karakter.

Narito ang comments ng ilang netizens tungkol sa acting skills at karakter ni Che Cosio sa Abot-Kamay Na Pangarap:

comments

Unang nakilala ang kaniyang karakter nang magkita na sila ng genius at pinakabatang doktor sa bansa na si Dra. Analyn Santos, ang karakter ni Jillian Ward sa programa.

Noong bago pa lamang si Dra. Analyn sa APEX, pinahirapan siya ni Dra. Katie at kung anu-ano ang ipinagawa niya rito.

Mayroon pang eksena na pinaglinis niya ito ng kaniyang kotse at naabutan pa ito ni Lyneth (Carmina Villarroel), ang nanay ni Dra. Analyn.

Sa latest episodes ng serye, kapansin-pansin na maayos na ang samahan nina Dra. Katie at Dra. Analyn.

Patuloy siyang napapanood bilang doktor na mayroong prinsipyo at paninindigan.

Isa sa mga eksenang nagustuhan ng netizens ay noong pinagbintangan siya ng kaniyang ninang na si Moira Tanyag (Pinky Amador) na karelasyon daw ng asawa nito na si Doc RJ (Richard Yap).

Pati ang ilang eksena habang pinapagalitan niya ang bully doctor na si Dra. Zoey ay talaga namang pinusuan ng mga manonood.

Patuloy na subaybayan si Che Cosio sa Abot-Kamay Na Pangarap!

Abangan din ang mga susunod na rebelasyon at kapana-panabik na eksena sa serye, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye dito.

SAMANTALA, KILALANIN ANG NEWEST KONTRABIDA NA SI KAZEL KINOUCHI SA GALLERY SA IBABA: