GMA Logo
What's on TV

Cheerdance tryout sa 'Prima Donnas,' trending sa YouTube!

By Aaron Brennt Eusebio
Published February 18, 2020 6:13 PM PHT
Updated February 18, 2020 6:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Iran's president says immediate cessation of US-Israeli aggression needed to end war
4 ash emissions logged at Kanlaon Volcano in 8 hours

Article Inside Page


Showbiz News



Trending sa YouTube ang pag-aaway ng magkakapatid na Donna Marie (Jillian Ward), Donna Belle (Althea Ablan), Donna Lyn (Sofia Pablo), at Brianna (Elijah Alejo) sa 'Prima Donnas.'

Trending sa number 5 spot ang highlights ng Prima Donnas kung saan muling nagtalo sina Donna Marie (Jillian Ward) at Brianna (Elijah Alejo).

Nagkaroon ng cheerdance tryout sa kanilang paaralan kung saan mas nagustuhan ng mga manonood ang ginawa ng magkakapatid na Donna Marie, Donna Belle (Althea Ablan), at Donna Lyn (Sofia Pablo).

Dahil sa sobrang bitter ni Brianna, sinabotahe niya ang damit nina Donna Marie, Donna Belle, at Donna Lyn.

Panoorin ang trending clip ng Prima Donnas:


Mapapanood rin ang full episodes ng Prima Donnas sa GMANetwork.com at GMA Network App.