Celebrity Life

Chef Boy Logro, gustong makapanayam si Marian Rivera

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated April 7, 2020 8:47 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE- Sinulog Festival 2026 | GMA Integrated News
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News



Paging the Primetime Queen!


Malayo na ang narating ni Chef Boy Logro dahil sa sipag at tiyaga. Magkakasunod ang kanyang shows at iba’t ibang tao na ang kanyang nakasalamuha.

Ngunit may isang tao siyang gustong makapanayam para sa morning show niyang Basta Every Day Happy.

Kuwento ni Chef Boy, malaki ang kanyang paghanga kay Marian Rivera. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit gusto niyang makapanayam ang Kapuso Primetime Queen.

Dagdag niya, may mga gusto siyang matutuhan kaya’t gusto niyang ma-interview si Marian.

“Si Marian Rivera kasi kumbaga siyempre Primetime Queen. Gusto ko rin siyang makapanayam about mga techniques siguro or makakuha ng idea. Kasi kumbaga sana lumevel up pa ‘yung pagsikat ko.”

Age doesn’t matter, ang paniniwala ni Chef Boy sa larangan ng pagsikat. Kung may talento ka na puwedeng ibahagi sa mga manonood, puwede itong maging dahilan ng pagsikat.

Aniya, “Matanda na ako. Pero ika nga wala namang pinipili na edad. Kung ikaw ay may tinatawag na paniniwala sa sarili mo na kaya mo. Ako naniniwala ako doon kahit matanda na ako. Ika nga, nakahabol pa rin.”

Patuloy na subaybayan si Chef Boy Logro tuwing Monday to Friday sa Basta Every Day Happy at every Sunday sa Idol sa Kusina on GMA News TV.

Para sa updates mula kay Chef Boy Logro at iba pang Kapuso artists, patuloy na mag-log on sa www.gmanetwork.com.

-Text by Maine Aquino, GMANetwork.com