Article Inside Page
Showbiz News
How does Chef Boy celebrate Christmas?
By ANN CHARMAINE AQUINO

Tuwing Pasko, isa sa mga katangian ng mga Pilipino ay ang pag-share ng kanilang mga blessings. Paano kaya isini-share ni Chef Boy Logro ang kanyang mga blessings sa mga tao?
Kuwento ni Chef Boy, "Ako 'pag Pasko talaga, nasa farm ako."
"Nagpapakain ako sa mga tao, sa Church, tapos pila ang mga bata. Kahit tig-bebente pesos. Para akong godfather doon sa amin," dagdag nito.
Para kay Chef Boy, masaya ang Pasko dahil nakakapagbahagi siya ng kanyang mga blessings. Aniya, "Natutuwa ako, kasi nga siyempre minsan minsan lang. Dapat nga [magbigay] kasi nga ika-nga time for giving for the kids 'pag Pasko."
Dahil nga nagpapakain si Chef Boy sa kanilang farm at community, siya pa rin kaya ang nagluluto ng kanyang mga inihahanda?
"Ako po talaga nagluluto. Kasi nga ipinapakita ko sa kanila na give back," saad nito.